Kabanata 2150
Tumawa nang malakas si Wesley. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim at sinabi, “Dito niya malalaman na hindi niya dapat banggain ang kuya ko! Hindi lamang kami ang minaliit niyua kundi ang lahat ng mga formal disciple!”
Hinila ni Brook ang manggas ni Noel at bumulong dito, “Bakit pumayag si Brother Fane na makipaglaban? Akala ko…”
Hindi na siya hinintay ni Noel na makatapos. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Fane? Siya ang nagbigay ng ideyang ito. Hindi niya ito gagawin kung hindi siya sigurado,” nagmamadaling sinabi ni Noel.
Walang masabi si Brook. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Noel. “Akala ko ginagalit lang niya si Oliver. Baka hindi niya inakalang papayagan siya ng First Elder at Second Elder.”
Suminghal si Noel sa pagsuko at bumulong siya sa kanyang sarili. “Mukhang hindi mo talaga kilala si Fane. Hindi ko na dapat sayangin ang hininga ko at manahimik na lang. Hindi naman sa sigurado ako sa nasa isip niya. Ang alam ko lang ay dapat hintayin natin ang resulta.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.