Kabanata 2166
Galit na suminghal ang First elder at nagsalita, na halatang naiinis, “Huwag kang mag-alala. Bilang first elder, tutuparin ko ang aking pangako at ipapadala ang pavilion contribution points sayo mamaya!”
Pagkatapos ay pinilantik niya ang kanyang manggas at lumingon para umalis.marahil pakiramdam niya ay ang kanyang presensya doon ay walang ibang ibig sabihin maliban sa pahiyain ang kanyang sarili. Dahil umalis na ang First Elder, ang iba pang mga elder ay hindi na rin nagtagal doon.
Ganun pa rin ang itsura ng kwarto ni Fane. Isa itong kwarto na may isang kama na may kabinet, isang lamesa, isang upuan, at isang tokador. Pagkatapos niyang makabalik mula sa maingay na lugar ng pagtitipon, inaayos na ni Fane ang kanyang mga gamit. Sa katunayan, hindi naman ganun karami ang gamit na iniwan niya sa bahay na ito. Bukod sa kobre kama, may ilang sinaunang libro na hiniram lang niya.
Sumunod din sila Brook at Noel kay Fane papunta sa kwarto nito, at nagkwentuhan sila sa buong paglalakad nila

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.