Kabanata 2194
Nakita ni Fane ang kasakiman sa mata ni Heath. Siya ang laging nagsasabing ang spirited grass ay mapupunta sa sinumang unang makakita nito, ngunit dahil hindi niya ito binanggit, malinaw na nakalimutan na niya ang patakarang ito.
Hindi tanga si Fane. Hindi niya hahayaang pagsamantalahan siya ng iba. Sadyang mahihirapan siyang suriin ang gamit na ito ngayong nakaharang ang isang pader.
Tumawa si Frank nang nanghahamak at tumingin kay Fane. “Nagtataka ako kung bakit sumusugod ka bigla at ngayon alam na! Balak mong sarilihin ang lahat!”
Biglang humarap sa kanya si Fane. ‘Diyos ko, nakakainis talaga siya! Bakit ba lagi niya akong pinag-iinitan?’
“Nabagok ka ba? Nakalimutan mo na ba ang ground rules? Na ang spirited grass at spirited flower ay mapupunta sa unang makakakita nito? Natural lang na kunin ko ito dahil ako ang nakakita nito!” sinabi ni Fane.
Nagdilim ang mukha ni Frank sa sinabi niya. Hindi niya inakalang sasagot si Fane sa kanya. Sasagutin na niya sana ito nang marinig nila

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.