Kabanata 219
"Hayaan mo na. May mga tao talagang makapal masyado ang mukha, at wala na tayong magagawa dun! Kung sinasabi niya na may 911 siya at hindi niya yun minaneho papunta dito, anong magagawa natin? Hindi naman tayo pwedeng pumunta sa bahay nila para lang tingnan yun, di ba?"
May nabuong plano sa isip ni Britney. Ngumisi siya ng masama at nagsalita. "Sige na. Paano kung ganito? Dahil class reunion 'to, bakit hindi na lang tayo mag-ambagan para sa magiging bill natin ngayon? Paghahatian natin ang bayad base sa kung ilan tayo. Hindi naman siguro problema yun para sa isang tao na may Porsche 911?"
Walang tanga sa kanila para hindi nila mapansin kung anong binabalak ni Britney; alam nila na may masamang binabalak si Britney laban kay Selena. Halatang sumama ang loob niya nang makita niya ang ex ng boyfriend niya. Dinepensahan pa ni Matt si Selena kanina, at lalo lang nagalit ang isang taong makitid ang isip na gaya niya dahil dito.
Hindi magiging mura ang bill dito kahit na paghatian pa nila

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.