Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 223

"Bwisit!" Napuno na si Matt. Tinamaan siya ng sobra sa sinabi ni Selena. Makikita sa ekspresyon ni Matt na talagang galit na galit siya. "Mahal namin ang isa't isa. Wala kang karapatan para husgahan at sirain ang relasyon namin! Ano ka pa pala, huh? Ang makasal sa isang sundalo siguro ang pinaka masamang nangyari sa buhay mo! Nakakahinayang talaga na nagpakasal sa isang mahirap ang isang napaka gandang babae na gaya mo." Napahalakhak ng malakas si Selena. "Yun ay dahil hindi ako gaya mo, at hindi ko gusto na huthutan ng pera ang ibang tao. Tsaka, hindi ko iniisip na may kulang pa sa asawa ko. Kanina lang, nakahanda siyang gumastos ng isang milyon para lang makita akong sumayaw! Anong masasabi mo dun? Pinapakita lang nun na mahal ako ng asawa ko ng higit pa sa kahit anong bagay at handa siyang gumastos para sakin kahit na isang daang libo lang ang nasa bank account niya!" Tumatawa si Selena habang nagsasalita siya. Sumandal siya kay Fane at nagmamalaking hinawakan ang kanyang kamay.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.