Kabanata 2421
Nanlaki ang mga mata ni Fane. Ang bumigla sa kanya ay ang katotohanan na walang laman ang loob ng pill aura room; isa lang itong kwarto na walang laman.
Noon, nabalot na ng kadiliman ang lahat, ngunit sa mga oras na ito, naglaho ang kadiliman at wala itong iniwan na kahit na ano.
Mabuti na lang, malaki ang espasyo. Kahit na pinapasok silang lahat doon sa loob ng vice-treasurer, hindi man lang sumikip ang lugar. Lahat sila ay nakatayo sa loob ng pill aura room, at ang matapang na amoy ng pill aura ay kaagad na pumasok sa kanilang mga ilong, na bumalot sa kanilang lahat.
Nagtaas ng kilay si Fane sa kanyang pagtataka. Nagtataka siya kung bakit ang lugar ay nababalot sa kadiliman kung wala naman itong laman. Pakiramdam niya ay may tinatago silang kung ano.
Sa simula, wala naman naramdaman si Fane tungkol dito dahil hindi pa naman niya ito lubos na nauunawaan para mapansin ang kahit na anong kakaiba. Pagkatapos itong tingnan, nagkaroon si Fane ng pagdududa.
Ayun nga lang, hindi ni

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.