Kabanata 2473
Muling bumalik ang mga tanong sa isipan ni Fane. Anong nangyari? Bakit nagkaroon ng pananambang?
Isa itong pulang kristal, na may baku-bakong hugis. Kung titingan ito nang maigi, dumadaloy ang enerhiya dito.
Dahil ibinato ito sa loob ng vessel sa huling sandali ibig-sabihin nito na hindi ito pangkaraniwang kristal, ngunit… ano ba ito? Anong kinalaman nito sa pananambang? Sobrang kulang ang impormasyon, kaya hindi ito mawari ni Fane.
“Huwag ka lang tumayo diyan! Saan ka pupunta?! May dalawang taong nagmamaneho sa vessel kanina, at alam nila kung saan pupunta. Saan… ano nang gagawin natin?!” sinabi ni Rudy habang umiiyak.
Kumunot ang noo ni Fane paglingon niya.
Naubos na ni Aston ang kanyang lakas para mag-utos, at muling pinagana ang vessel. Subalit, hindi alam ng tatlo kung gaano ito tatagal, o kung saan patungo ang vessel.
“Ang bawat spirit vessel ay nangangailangan ng maraming spirit crystal bilang mapagkukunan ng enerhiya,” paliwanag ni Grayson, kahit na nababahala. “Kailan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.