Kabanata 286
"Bakit ang tagal niyo ata diyan sa tawag, Young Master Ruben? Wala ka namang sinusubukang gawin ano? Sinabi ko sa'yo na magdala ka ng 3.8 milyong dolyar, di ka naman na hihingi ng tulong diba?"
Napansin ni Fane na ang tagal ng tawag bago niya ito ibaba kaya siya nagtanong.
"Paano ko gagawin yun? Inutusan ko lang sila na ihanda ang 3.8 milyong dolyar para sa'yo. Wag kang mag-alala, dadating din yun kaagad!"
Kaagad na sumagot si Ruben nang mataranta siya.
"Talaga? Ipapakita ko sa'yo kung anong mangyayari kapag nagsinungaling ka sa akin!"
Pagkatapos itong sabihin ni Fane, binato talaga niya ang baril kay Young Master Ruben.
"Aray!"
Tumama ang baril sa hita ni Ruben at ikinagalit niya ito. Kaagad niyang dinampot ito at ibabato na ito pabalik sa kanya, "Bwiset, wag mo akong ginagalit…"
Huminto si Ruben nang sabihin niya ito, doon lang niya napansin na binato siya ni Fane ng baril.
"Haha, gusto mo talagang mamatay. Talagang baril pa ang ibinato mo sa akin?"
Natuwa si Rube

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.