Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 314

Kaagad na nataranta ang payat na lalaki at malumanay na kinausap ang kanyang kapatid, "Kapatid, anong gagawin natin? Nakasakay ang lalaking ito sa isang Porsche 911. P*ta, mukhang nakagawa tayo ng gulo. Ang kotse na yun ay nagkakahalagang dalawang milyon!" Narinug siya ng kapatid niya at walang pakeng ngumiti. "Kuya, masyado kang matatakutin. Bakit tayo matatakot? Wala ka masyadong karanasan sa pakikisalamuha kaya natatakot ka sa kanya. Nagsisinungaling ang taong ito!" "Anong nangyayari?" Nagtataka ang payat na lalaki. "Hoy, tignan mo siya. Napakasimple niyang manamit. Mukha ba siyang isang taong may pambili ng kotse?" Ngumiti ang lalaking may tattoo at nagpatuloy, "Sigurado akong driver lang siya para sa ibang tao! Di mukhang yaya ang babaeng ito. Asawa niya siguro ito!" "Oh, ganon pala!" Biglang naunawaan ng payat na lalaki ang lahat at sinabi, "Bata, ang kapal ng mukha mong ilarawan ako nang ganyan. Haha, wag kang umasang makakaalis ka nang wala kang tatlong libong dolyar!"

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.