Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 342

"Kung ako sayo, hindi na ako mag-aalala pa. May tiwala ako sa kakayahan ni Fane!" Nakangiting sumagot si Tanya. Hindi na niya pinansin pa ang matabang, si Michael Wilson, at sa halip ay sinuri na lamang ang mga batong nakalatag sa harap niya. Nagningning ang mga mata niya noong makapili siya ng bato. "Hmm. Mukhang maganda ang batong 'to," ang sabi ni Tanya. "Malaki at kwadrado ito, at may bakas ng jadeite sa labas nito. Hindi na masama!" "Magaling ka pumili, iha. Talagang malaki ang potensyal ng isang ito. At tingnan mo ang kulay nito—ito ang susi. Napakalinaw at makintab ang pagka-berde nito. Sa katunayan, nagdadalawang-isip din akong ibenta ito. Gusto ko rin sana itong subukan. Kaso, medyo kapos ako sa pera nitong mga nakaraan, kaya hindi ako nangangahas na sumugal!" Natawa ang matandang lalaki at inunat ang lima niyang daliri. "Hindi na 'to kailangang timbangin. Bibigyan na lang kita ng estimated na halaga nito. Baka malugi ako ng sobra kapag tinimbang pa natin 'to. 500 thousand

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.