Kabanata 359
"Talaga? Gusto kong makilala ang manugang mong ito kung ganon!" Ngumiti nang bahagya si Master George bago magpatuloy, "Kayong dalawa, ilabas niyo ang mga kotse sa garahe at iparada ito sa main gate. Pwede na kayong pumunta sa Dynasty Hotel mamaya."
"Sige, gagawin namin!"
Si Ben at Xena na sumisigaw sa galak ang buong katawan kanina lang, ay di na makapaghintay na subukan ang kanilang kotse. Pinaandar nila ang kotse at pumarada sa main gate.
Makalipas ang isang sandali, bumalik si Luca sa tahanan ng George family kasama ang ilang sugatang lalaki.
Pagbalik nila, pingamot ni Luca ang mga sugatang lalaki bago iharap ang kanyang sarili kay Master George.
Tinawag ni Luca si Master George sa isang tabi at bumulong, "Sir, di niyo naman sinaktan sila Fiona diba? Pinagbantaan kami ni Fane at sinabi na kapag ginalaw namin ang kahit isang hibla ng buhok ng pamilya niya, di siya maaawa sa amin!"
"Hmph. Ang binatang ito ay medyo mapilit at matapang. Ang kapal ng mukha niyang pagbantaan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.