Kabanata 410
Ngunit hindi nagtagal ay umiling si Ken at hindi makapaniwala. "Imposible. Bakit napakasimple ng lalaking yun kung mayroon nga siyang isang bilyon?"
"Hindi ko rin alam. Simple lang talaga ang ibang mga tao––o kaya ayaw niya lang na mabuhay nang magara!"
Pagkatapos itong pag-isipan ni Dan ay nagpaliwanag siya, "Young Master Clark, makinig ka sa'kin. Maganda si Selena Taylor, pero hindi ba makakahanap ka naman ng ibang babae gamit ng pera mo? Hindi mo pwedeng galitin si Fane! Naiintindihan mo?"
"Manahimik ka!" Wag mo kong pagsabihan na para bang nanay kita!"
Galit na sigaw ni Ken, hindi talaga siya natutuwa.
Hindi lang talaga siya makapaniwala na napakasimple ni Fane kung mayroon nga siyang ganoon karaming pera. Magaling nga makipaglaban ang lalaking iyon, oo, pero hindi ibig sabihin non ay isa siyang commander o kung ano sa militar.
Maliban roon, ano naman ngayon kung isa siyang commander? Mamamatay pa rin siya kung gagalitin niya ang isang taong kagaya ni Ken Clark.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.