Kabanata 458
"Tempest? Sa tingin mo ba natakot na ang lalaking yon at di na darating?" Higit sa isang dosenang tao ang nakatayo sa kakahuyan sa labas ng siyudad. Isang kalbong lalaki ang nagsabi nito kay Tempest na kanyang katabi.
Tinignan ni Brother Tempest ang oras at lagpas limang minuto na sa alas otso. Kumunot ang kanyang noo. "Baka hindi talaga ganoon katapang ang lalaking iyon para makapunta at niloloko lang tayo."
Isang lalaking may dilaw na buhok ang nagsabi, "Sigurado ako na hindi siya ganoon katapang para pumunta rito. Baka naihi na siya sa pantalon niya sa sobrang takot nang malaman niya na si Brother Tempest ay galing sa Eagle Clan. Halatang nagpapatagal lang siya nang hinamon niya si Brother Tempest na magdala ng kahit gaano karaming tao na gustuhin niya. Baka umalis na siya ng Middle Province sakay ng bus kaming umaga!"
"P*ta, hindi ko alam na duwag pala ang lalaking yon! Sinabihan niya ako na magdala ng kahit ilang tao na gustuhin ko! Humph, kung ganon, magtatanong ako kung an

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.