Kabanata 55
Noong mapansin niya na tumanggi nang uminom si Fane at umiiling-iling na, palihim na natuwa si Ivan. Kung titingnang maigi, mukhang malapit nang malasing si Fane. Agad niyang sinabi, "Ayos lang yun. Sige na, masaya 'tong araw na 'to at dapat uminom tayong lahat ng tatlong shot!"
"Sige ba!"
Nagkunwari si Fane na naiipit na siya sa sitwasyon pero dahan-dahan niya pa ring ininom ang lahat ng alak.
Sa sandaling ito, lagpas sa sampung baso na ang nainom ni Fane. Pati ang ilang mga elder at si Ivan ay marami na ring nainom at medyo lasing na din.
Subalit, inisip nilang lahat na malapit nang malasing si Fane.
"Tara, matagal na tayong hindi umiinom ng sama-sama, uminom tayong lahat!"
Itinaas ni Ivan ang kanyang baso at niyayang uminom ang lahat ng dumalo sa salo-salo nilang ito.
Iniisip ni Ivan na kung iinom ang lahat, hindi makakatanggi si Fane at mapipilitan siyang uminom ng alak.
"Sige, uminom tayong lahat. Uminom tayo para sa pag-unlad ng Taylor Group!"
Ngumiti si Old Mas

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.