Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 593

Lalo na't hindi na sila nabubuhay sa mahirap na panahong iyon. Tumatanda na ang kanyang nanay at nararapat sa kanya na mabuhay nang masaya. Kahit na paano, hindi niya kailangang magtipid ng todo kagaya noon. "Mama, tama ang balae mo. Masyado kang matipid. Wag kang mag-alangan na bumili ng kahit na anong gusto mo. Iba na ang buhay natin ngayon. Ganito na lang, wala akong gagawin mamayang hapon. Lumabas tayo at bibilhan kita ng damit, alahas, kahit na ano!"    "Anak, hindi ko kailangan ang mga iyon. Ngayon na nakakakain ako nang maigi, manamit nang maayos, at nabubuhay nang maayos, kuntento na ako!" Nagmamadaling sabi ni Joan. Ang makita ang kanyang anak na makamtan ang lahat ng mayroon siya ngayon ay sapat na para sa kanya. Ilang taon lang ang nakakalipas, ang tanging pinapangarap at hinihiling lang niya ay ang makauwi nang ligtas si Fane mula sa giyera. Buti na lang at nagkatotoo ang kanyang mga pangarap. Hindi lang siya nakauwi nang ligtas, nagawa pa niyang umuwi bilang isang lalakin

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.