Kabanata 627
Ahem, ahem! Sister Orchid, dalawang beses mong sinabi…" Pinigilan ni Elaine ang kanyang ngiti bago naglakad papunta kay Fane.
Nahiya si Orchid. Si Elaine ang unang nagsabi!
"Master, anong maipaglilingkod namin para sa'yo? Magshoshopping ba kayo kasama ng iyong lady? Kailangan mo ba ng aming proteksyon?" sabi ni Elaine sa sandaling tumayo siya kanyang harapan.
"May gagawin ang brother-in-law ko sa labas. Kayong dalawa, sundan niyo siya at protektahan," ang hindi inaasahang utos ni Fane.
Nagulat si Ben nang marinig niya ito. "Hindi, hindi, sa tingin ko hindi na kailangan ng ganto. Lalaki ako. Bakit kailangan kong maprotektahan? Normal lang para kay Mama at Ate na magdala ng dalawang bodyguards kapag lalabas sila, pero bakit kailangan kong magsama ng bodyguards? Kakaiba naman yun!"
"Hoy, tignan mo ang sarili mo! May pasa ka sa noo at halatang mula ito sa suntukan. Paano mo nasabing hindi mo kailangang maprotektahan dahil lalaki ka? Sa tingin ko ikaw ang pinakakailangang protekt

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.