Kabanata 82
Nagdala ang taong yun ng higit pa sa isang dosenang tao kasama niya.
Natakot si Selena nang makita niya ang napakaraming taong palapit nang may dalang sandata.
Tumingin siya sa gilid, nandoon si Kylie. Sumugod siya paharap, hinila si Kylie papunta sa kanya, at niyakap siya nang mahigpit.
"Hubby, anong dapat nating gawin? Napakaraming tao. Mukhang di maganda ang pakay nila!"
Takot na takot si Selena nang yakapin niya nang mas mahigpit si Kylie.
"Mummy, wag kang matakot, tatalunin ni daddy ang mga masasamang tao. Magaling si daddy!"
Nagsalita si Kylie nang may pambatang boses. Sa edad na apat na taon, alam na kaagad niya na magkusang pagaanin ang loob ni Selena.
"Tama, siguradong kayang solusyonan ng tatay mo ito!"
Dinamayan ni Selea si Kylie ngunit lalong lumalim ang pagsimangot niya.
"Wag kayong mag-alala. Nandito ako, walang makalagalaw sa inyo!"
Kapanteng ngumiti si Fane at sinabi, "Paano ako nakaligtas sa labanan sa loob nitong nakaraang limang taon kung hindi?"

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.