Kabanata 839
”Isang hukbo?”
Muling nagulat ang publiko.
Lumabas ang lahat. Doon lang nila napansin ang isang hukbo ng mga Rolls-Royce na nakaparada sa pasukan.
“Niloloko mo ba kami? Kahit na umupa ka pa ng 100 kotse, malaki ang magiging gastos dito. Bago ang lahat ng ito!”
Napalunok si Ben.
“Bane, wag mong sabihin na ito ang sasakyan namin? At bakit may mga sariwang bulaklak sa mga kotse? Bakit sila naka-decorate na parang mga wedding car? At may mga salita pang ‘Just Got Married’ na nakalagay dito!”
Talagang mukhang nabigla si Fiona. Halos malaglag na ang mata niya. Imposibleng mura lang ito, kahit na mga inarkilang kotse lang ito.
“Oh, alam ko na. Halata namang mga wedding car ito. Siguro ito ang mga inihanda ni Kelly para kay Cecilia!”
Nagdilim ang mukha ni Andrew. “Ang Kelly at Cecilia na yun,” Singhal niya. “Bakit nila ipinarada ang mga wedding car nila sa gate natin? Sadya ba nila tayong iniinis?”
Nahimasmasan na si FIona. Tama. paanong magkakaroon ng pera ang walan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.