Kabanata 14
Hindi na madalas umulan ng niyebe sa Wu City nitong mga nakaraang araw. Sa halip, naging normal ang pag-ulan. Inilagay ko ang aking phone sa tenga at narinig ang banayad na reklamo ni Dixon. "Bumubuhos ang ulan dito sa labas. Basang-basa ako. Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?"
Nang pakinggan ko siya nang mabuti, naririnig kong parang medyo malungkot siya.
Lumingon ulit ako sa aking kwarto, “Bakit mo ‘ko pinuntahan?”
“Caroline, nakalimutan mo ba na ako na ang boyfriend mo ngayon?”
So naaalala niya pa nga…
“Akala ko pinagsisihan mo eh.” sabi ko.
“Bakit? Kasi hindi kita tinatawagan?”
Sinabi kong oo nang may mababang boses at may pagkadismaya.
"Silly girl. Hindi ba sinabi ko sa’yo na may aayusin akong company affairs? Kung walang lang sanang ibang importanteng magaganap sa mga susunod na buwan sa kumpanya, hindi na ako umalis sa piling mo." Huminto si Dixon at sinabi sa isang banayad na boses, "Pero kung may kailangan akong puntahan, sasama ka sa’kin."
Halos matunaw ang puso ko sa kany

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.