Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 427

Umakyat muli si Yara sa puno. Nagpahinga siya sa tuktok at humiga sa ilalim ng ilaw ng buwan. Naglaro siya ng mga laro sakanyang telepono. Mahina kong tanong kay Noelle, “Hindi mo ako tinawagan nang dahil lang dito, diba?” “Caroline, isa siyang pribadong tao. Pero, nabunyag ang buhay niya para lang ipakita na mahal ka niya! Pinagsigawan niya pa sa buong mundo na mapapangasawa ka niya at pinapangakong papakasalan ka balang araw.” Ang namamaos na boses ni Noelle ay patuloy na nagsasalita sa telepono. Nagpatuloy siya, “Nagseselos talaga ako sa’yo, nagseselos ako kasi nasa’yo ang puso niya, pero paano ako natalo? Mas nauna niya akong nakilala kaysa sa’yo. Boto sakin ang lahat ng miyembro ng pamilya Schick. Pero bakit ikaw ang pinili niya?” “Bakit mo kinuha ang dapat para sakin? Bakit mo inagaw ang mahal ko? Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko kapag hindi siya ang pinakasalan ko! Simula bata ako ay sinabi na sakin na siya ang mapapangasawa ko! Kapa

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.