Kabanata 101
Tumingin si Frank kay Greg ng may panghahamak. “Sino ka ba sa akala mo, para paalisin ako?”
Mayabang na suminghal si Gina. “Huwag mong isipin na pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo dahil kay Vicky Turnbull! Business partner ni Timmy Yates si Greg—Kahit. si Vicky Turnbull ay kailangang magpakita ng respeto sa kanya!”
“Wala ‘yun.” sabi ni Greg sa kay Gina bago siya muling tumingin kay Frank. “Ayaw kang makita ni Gina, kaya matuto kang lumugar at umalis ka na, kung hindi ako mismo ang magpapalayas sayo.”
Ngumiti si Frank at tumingin siya sa dalawa. “Kung ganun, ang matandang ‘to ang bago mong boyfriend? Huwag mong pilitin ang sarili mo kung napakatanda mo na, lolo. Dapat manatili ka na lang sa bahay mo at ipahinga mo ang likod mo.”
“Ikaw ang may gusto nito, bata!” Hindi inasahan ni Greg na ganun kayabang si Frank at sinubukan niyang suntukin sa mukha si Frank.
Isa siyang atleta sa paaralan noong high school pa siya, at malakas ang pangangatawan niya sa kabila ng kanyang edad.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.