Kabanata 105
Huhubarin na sana ni Vicky ang damit ni Frank nang bigla siyang pinigilan ni Frank, dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata habang nagtataka siyang nakatingin kay Frank.
“Tapos ka na ba?” Tanong ni Frank habang nakasimangot.
Dahan-dahang tumayo si Vicky. “Hayy. Hindi talaga ako makakaisa sayo, ano?”
Walang masabi si Frank. “Kailangan mo ba talagang gawin ‘yun?”
“Kasalanan mo na naging napakahusay mong lalaki.” Ngumiti si Vicky, at nagkibit-balikat.
Tinitigan siya ni Frank. “Higit na mas mahusay sa’kin ang fiance mo.”
Kumunot ang noo ni Vicky nang marinig niya ang mga salitang ‘yun. “Huwag mo siyang banggitin—mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magpakasal ako sa Lionheart family.”
Naguluhan si Frank. “Bakit? Hindi ba gusto ng mga babaeng gaya mo ang mga mayamang tagapagmana na gaya niya?”
Iyon din ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Helen—dahil hindi siya mayaman na gaya ni Sean Wesley.
Tumingin sa kanya si Vicky noong sandaling iyon, puno ng determinasyon ang mga ma

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.