Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 207

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, inilabas ni Scarlet ang security footage. Ang lahat ay nanood habang si Peter ay nalasing at nagsimulang gumawa ng gulo, at hinipuan niya ang isang waitress. Nagalit pa siya noong itinulak siya ng waitress, at ipinagyayabang niya kung gaano kahalaga ang kanyang pamilya... Natulala si Helen matapos mapanood ang video at dismayado siyang tumingin kay Peter. Sa kabilang banda, walang pakialam si Gina, nakapamewang pa siya habang sumisigaw, "Ano ngayon?! Problema na nilang dalawa ng babae na ‘yun ang ginawa ng anak ko sa kanya. Anong pakialam mo?" Dahan-dahang tumayo si Scarlet. "Ako ang may-ari ng lugar na ‘to, at ako ang may pananagutan sa anumang mangyari sa mga empleyado ko." "Tama na ‘yan." Nagsalita si Helen noong sandaling iyon. "May kasalanan ang kapatid ko, kaya ako na ang humihingi ng tawad. Ano ang hinihingi mong kabayaran? Pwede mong hilingin ang kahit ano basta makatwiran ito." "Anong ginagawa mo, Helen?!" Siga ni Gina, h

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.