Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 26

Dinuro ni Robin ang mukha ni Frank at suminghal siya, “Lumuhod ka at magmakaawa—at baka hayaan pa kitang mabuhay!” Sinampal lang siya ulit ni Frank dahil dito, at tumalsik ang dalawa sa mga ngipin niya. “Wala akong pakialam kung sino ka,” ang sabi ni Frank. “Subukan mong galawin si Helen, at pati ang tatay mo mamamatay.” Natulala si Robin—sinampal siya ng bwisit na ‘to?! Kahit na pagkatapos niyang ipakilala ang sarili niya?! Namula ang kanyang mga mata, at sumugaw siya, “P*ta ka! Papatayin kita at pahihirapan ko si Helen hanggang mamatay siya!” “Tumahimik ka,” nagalit si Frank, ikinuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa sinabi ni Robin. “Tumigil ka!” Sumigaw si Sean noong sandaling iyon. Huminto si Frank, at lumingon siya kay Sean. “Ano, nakikiusap ka ba para sa kanya?” Tiningnan siya ng masama ni Sean. “Anak siya ni Leo Grayson! Malalagay tayong lahat sa panganib kapag pinatay mo siya!” Paulit-ulit na tumango si Gina sa tabi ni Sean. “Oo, tama ‘yun! Hindi natin pwedeng

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.