Kabanata 51
Tumakbo si Rocco palapit kay Helen at hinablot niya ang kanyang kwelyo. “Anong pinainom mo sa tatay ko?!”
“A-Ang Ichor Pill!” Nagtatakang sigaw ni Helen.
“Tumahimik ka!” Galit na sumigaw si Rocco. “Kung ganun, paano mo ipapaliwanag ang nangyari sa tatay ko?”
Kinagat ni Helen ang kanyang labi—hindi niya rin alam kung anong nangyari!
Biglang lumapit si Gina at sinabing, “Please, Mr. McCoy. Nagkakamali ka lang siguro. Malamang hindi yung gamot ang may gawa nito!”
Maswerte sila at nakakapag-isip pa ng tama si Rocco.
“Kapag may nangyaring masama sa dad ko,” ang malamig niyang sinabi, “walang sinuman sa inyo ang makakaalis nang buhay sa lugar na ‘to.”
Pagkatapos nun, inutusan niya ang mga bodyguard na ikulong sila sa guest room, habang agad namang tinawagan ng mga katulong si Dan Zimmer mula sa Flora Hall.
Nagpalakad-lakad si Helen sa loob ng kwarto, habang nakaupo naman si Gina sa kama, humawak siya sa ulo niya at sinabing, “Oh, katapusan na natin… hindi maganda ‘to. Hindi ba da

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.