Kabanata 95
Nahihiyang ngumiti si Kurt at dahan-dahan siyang bumangon. “Salamat ulit sa pagliligtas mo sa'kin, Mr. Lawrence. May kailangan pa akong asikasuhin, kaya mauuna na akong umalis—tsaka, kung sakali man na pumunta kayo ni Ms. Zimmer sa mga establishment ko, sagot ko na ang lahat.”
Pagkatapos, lumingon siya sa maskuladong lalaki sa tabi niya, at sinabing, “Bravo. Bayaran mo ng doble ang Flora Hall para sa anumang serbisyong binigay nila sa’tin.”
“Yes, Mr. Stinson,” agad na sagot ni Bravo.
Gusto sanang tumanggi ni Janet, ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil nagbayad sila ng cash.
Pagkatapos nun, umalis si Kurt kasama si Bravo.
Pagsakay nila sa kotse nila, tinititigan ni Bravo si Kurt, at mukhang nag-aalinlangan siyang magsalita.
Nang mapansin iyon ni Kurt, nagtanong siya, “Magsalita ka na. Bakit ka nag-aalinlangan?”
Dahil sinabi iyon ni Kurt, agad na nagsalita si Bravo, “Sa tingin ko may kakaiba kay Mr. Lawrence, boss.”
“Ano ‘yun?”
“Sa tingin ko pumatay na siya n

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.