Kabanata 13
Kung ganoon, isa lang siyang dekorasyon na pinakasalan ni Xavier para matuwa ang pamilya Fulton sa kaniya?
Mas matindi ang naging epekto ng rebelasyong ito kaysa noong madiskubre niya ang relasyon nina Xavier at Sarah.
Namutla ang buo niyang mukha habang dumidiin ang kaniyang mga ngipin sa ibaba niyang labi, namaga naman ang kaniyang mga mata nang dahil sa naguumapaw niyang mga luha.
Sa loob lang ng ilang araw, agad na bumaliktad ang kaniyang mundo.
Inakala niya na nanlalamig at wala lang pakialam ang kaniyang asawa pero nagaalala pa rin ito sa kaniya sa sarili nitong pamamaraan. Pero napagtanto niya na hindi talaga siya nito mahal dahil mayroon na itong ibang kinakasama.
Nalaman na rin niya ngayon na pinakasalan lang siya ni Xavier dahil sa isang napakalayong rason na hindi niya magagawang maisip.
Sa harap ng kagustuhan niyang makipagdivorce, agad na nagumapaw ang pait sa kaniyang dibdib.
Pagkatapos ng isang napakahabang sandali, dahan dahan na ring kumalma ang kaniyang emosyon

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.