Kabanata 52
“Magiingat ka sa pagmamaneho, Terence.”
Bumaba ng sasakyan si Terence para buksan ang trunk. Dito na nyia nilabas ang isang maliit na box na kaniyang ibinigay kay Lily.
“Marami ang nagsasabi na nakakapagtaboy daw ng kamalasan ang mga bato sa Crownridge Peak. Pumulot ako…ng dalawa nito habang naghihike, para sa iyo ang isa sa mga ito habang ang isa naman ay para kay Maryanne.”
Narinig ni Lily ang kasabihang ito noon pero hindi pa rin siya makapaniwala rito.
Pero naantig pa rin siya sa ginawang it oni Terence kaya nagpapasalamat siyang ngumiti habang kinukuha niya ang maliit na box na hawak nito.
“Ito—”
“Sinabi ko na sa iyo, hindi mo na kailangan pang maging pormal sa akin,” sagot nito.
Habang nakatayo ito sa sasakyan, tinangay ng hangin ang maiksing buhok ni Terence. Nagreflect naman ang liwanag sa kulay obsidian nitong mga mata.
Maraming salamat kay Maryanne, alam ni Lily na mas dadami na ang oras niya kasama ni Terence kaya magiging awkward lang ang pagiging pormal niya rito.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.