Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Pusong TinakwilPusong Tinakwil
에:: Webfic

Kabanata 37

Ngumiti si Lorraine. “Mabuti ‘yan! Magaling ako sa paggawa ng plano ng mga trips, kaya ayos lang na manghingi ka ng tulong kung kailangan mo.” Masaya akong tumingin sa kaniya. “Salamat. Sigurado akong magtatanong ako sayo pag dumating na ang araw na ‘yon.” Nang pauwi para ihatid si Lorraine, pinag-usapan namin ang lahat ng mga bagay. Na-realize ko na sa tuwing kasama ko Lorraine ay kumakalma ako—na parang kaya mo na bitawan lahat ng stress na lagi akong hinihila pababa. … Kinabukasan ay Sabado na, at nagdesisyon ako na simulan ang araw sa paggawa ng masarap na almusal. Ngumunguya si Jonas nang tinanong, “Daddy, saan tayo pupunta ngayon?” Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. “Paano kung sa Mecca Park?” Nagliwanag ang mata ni Jonas. “Ang saya naman! Pwede ko po ba dalhin ang sketchbook ko?” “Oo naman,” sabi ko. “Siya nga pala, sinabi ni Ms. Summerton na pwede ka raw niya turuan ng ilang drawing techniques sa susunod.” Nagulat si Jonas nang banggitin ko si Lorraine.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.