Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 46

Nagkuyom ang kamao ko, sinusubukan ko na ikalma ang sarili ko. Mabait si Lorraine at maintindihin—sobra sa karapat-dapat sa akin. “Salamat, P… Pasensya na tungkol dito.” Natigil ang iba kong sasabihin nang tumabi siya at sinenyas papasok sa loob. “Pasok ka,” sabi niya nang nakangiti. Malawak ang kwarto ni Lorraine na may malaking kama na magbibigay ng malaking espasyo sa pagitan namin. Sinabihan ko ang aking sarili na kaya ko itong harapin. Hindi ko hahayaan na mawala sa control ang nasa isip ko. Ayan ang sinabi ko sa sarili ko. Pero dahil nasa isang kwarto kami, mas mabigat ang hangin at hindi ko mapigilan na kabahan. “Malambot… itong higaan,” sabi ko, bahagya kong hinahampas ang mattress. Hindi napigilan ni Lorraine na tumawa sa pagkailang ko. “Bakit ka kinakabahan? Natatakot ka ba na may gawin ako?” pang-aasar niya, masaya ang tono niya. Tahimik at malambing siya kadalasan. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko siya na magbiro nang ganoon. “Hindi, hindi sa ganoon. H-hindi m

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.