Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Pusong TinakwilPusong Tinakwil
에:: Webfic

Kabanata 49

Nang marinig ang pagmamakaawa ni Jonas, natigil ako sa paglalakad. “Jonas, A…” Nagdalawang-isip ako, naninikip ang dibdib ko. Hindi niya dapat nararanasan ito. Dinala ko siya sa trip na ‘to para magsaya pero sa halip, naipit siya sa ganitong tensyon at nakakasakal na paligid. “Marami pang space sa kwarto ko,” biglang nagsalita si Lorraine, kalmado ang boses niya pero seryoso. Gulat ko siyang tiningnan ko siya. “Sigurado ka ba? Ano…” Isang bagay na ang manatili ako sa kwarto niya pero ibang bagay pa ang isama si Jonas. Mabait siya pero bata pa rin siya. May pagkakataon na mag-tantrum siya lalo na sa kakaibang lugar. Nang mapagtanto ang bigat ng hiling niya, malungkot na yumuko si Jonas. Pero, hindi naitago ng umaasang mga mata niya ang kaniyang nararamdaman. Hindi ko kaya na makita siyang naguguluhan. Sa edad niya, dapat nakakahiling siya nang walang pagda-dalawang isip. “Ayos lang. Gusto ko naman si Jonas,” malambing na sabi ni Lorraine. Nag-iba ang mga salita niya habang lumili

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.