Kabanata 76
Mukhang napagtanto ni Lorrane na magulo ang paliwanag niya. Agad niyang nilinaw ang sarili niya, “Anak siya ng stepmother ko,” sabi niya, kumakalma ang tono niya.
Tumango ako, naalala ko ang pagbanggit niya sa kung paano naging komplikado ang sitwasyon ng pamilya niya.
“At?” Sagot ko.
“Wala talaga siyang disenteng trabaho. Ang ginagawa niya lang ay manghingi ng pera. May kaya naman ang pamilya ko pero aabot sa punto na kaya namin mag-abot lagi, kaya…” natigil si Lorraine.
“Kaya, hindi niyo siya pinapansin pero nakita niya ang balita tungkol sa'yo at nag desisyon na magpakita, nanghihingi siya ng pera?”
Bumuntong hininga siya at tumango. “Oo. Ganoon siya palagi. Ngayon lang talaga nasagad ang pasensya niya.”
“Dahil sa balita?”
“Oo.”
Kumunot ako, iniisip ko na ang posibleng mangyari. “Kung ganito sita umakto nang makita niya ang news article, ano sa tingin mo ang gagawin niya kapag mas malala pa doon?”
Mukhang nanghihingi ng tawad si Lorraine, puno ng konsensya ang mukha niya. “

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.