Kabanata 88
Bakit pumunta si Lorraine doon nang mag-isa?
“Nakita ko siya tumakbo papunta sa backyard,” Tahimik na sinabi ni Jonas, nagdadalawang-isip siya na banggitin ang kapatid niya.
“Hintayin mo ako rito, Jonas.” Nakahanap ako ng ligtas na lugar para kay Jonas at nagsimulang tawagin ang pangalan ni Lorraine habang papasok doon.
Mas madumi ang lugar kaysa sa inaasahan ko. Puno ng malalaking damo ang ang daanan. Ilang taon na hindi nagagalaw ang lugar na ito. Bilang isang lalaki, kailangan ko tumagilid para makapasok sa ibang parte.
“Lorraine?”
Nasugat ng damo ang braso ko at napunta ang dumi sa sugat kaya naging mahapdi ito. Napakunot ako sa sakit.
“Lorraine? Naririnig mo ba ako?”
Ang likod-bahay ay halos kasing laki ng dalawang basketball court, at wala akong masyadong matandaan tungkol dito maliban sa naglaro ako ng tagu-taguan dito noong bata pa ako. Nandito si Lorraine na walang phone. Imposible na makahanap siya ng paraan para makalabas.
“May tao ba diyan?” May mahinang boses ang

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.