Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 145

Tumayo si Adam sa harap ng malaking bintana, Bakas ang maganda niyang anino sa dilim ng gabi. Ang malamig niyang obsidian na mga mata ay may matalim na banta, walang pakialam ito, ngunit nakakatakot. "Sa tingin mo, sapat na ang paghingi ng tawad para maayos ‘to? Umuwi ka na.” Lumuha ang mga mata ni Victoria, at bakas ang desperasyon sa kaniyang boses. "Adam, nakikiusap ako. Kinarga ka pa namin noong sanggol ka! Isa lang ang anak ng pamilya Zander. Please, palayain mo na si Elijah. Pangako, didisiplinahin namin siya nang mas maayos sa mga susunod.” Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ni Adam. Walang pakialam at matalas ang kaniyang tono. “Leo, ihatid mo na sila palabas.” Walang pag-aalinlangan, lumapit si Leo at itinuro ang pinto. “Mr. Zander, Mrs. Zander, dito ang daan.” Nagdilim ang mukha ni Henry, kita ang galit sa kaniyang mga mata. “Adam, ganito ka ba kawalang puso? Lahat ng ‘to, para kay Celine? Kilala ko na siya, isa lang siyang probinsyana at estudyanteng palaging bumabagsak

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.