Kabanata 173
Tahimik na nakatingin si Adam kay Carly nang biglang dumating sila Robin at Celine.
Pumasok si Robin sa hot spring. “Celine, halika na!”
Tumingin si Adam kay Celine at napansin niyang nagpalit na ito ng bikini. Pero halatang hindi ito komportable, nakabalot pa siya ng tuwalya para takpan ang katawan niya.
Agad na nang-asar si Carly. “Celine, bakit parang nahihiya ka at nakabalot ka pa ng towel? Hindi ka ba masaya sa katawan mo?”
Natawa si Melody sa sinabi ni Carly.
“Celine, hinihintay ka na naming alisin 'yang tuwalya!” sabay hinila ni Robin ang tuwalya mula kay Celine.
Napasinghap si Celine nang biglang lumantad ang katawan niya sa paningin ng lahat.
Suot niya ang magenta na bikini na lalo pang nagpalutang sa makinis at maputing balat niya. Hindi tulad kay Carly na ginastusan ng kung anu-anong treatment, ang kutis ni Celine ay natural na malambot at makinis.
Sobrang ganda ng kaniyang katawan. Maliit ang bewang, balingkinitan ang hubog, sakto ang korte ng balakang, at mahahaba

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.