Kabanata 67
Nandito si Carly!
Natigilan si Adam, at agad siyang bumalik sa kaniyang sarili. Yumuko siya, ngayon ay punong-puno na siya ng pagsisisi at galit.
Anong ginagawa niya? Bakit niya ito ginagawa kay Celine?
Naramdaman ni Celine na dahan-dahang gumaan ang bigat ng kaniyang katawan nang pinakawalan siya ni Adam.
“Dito ka lang. Huwag kang umalis.”
Matapos iyon sabihin sa kaniya ni Adam, tumalikod ito at umalis. Baka lalabas siya para makita si Carly. Walang pagdadalawang-isip na aalis si Adam pag nababanggit ang pangan ni Carly kahit na punong-puno na siya ng pagnanasa kanina.
Naramdaman ni Celine na dahan-dahang nawawala ang pula sa kaniyang pisngi, ngumisi siya.
Bakit parang siya pa ang naging kabit kahit siya naman talaga ang asawa ni Adam? Parang nagtatago sila ni Adam para hindi sila mahuli ni Carly.
Napakasakit na biro. Anong gagawin niya kay Carly? Baka sa kaniya niya tapusin ang inumpisahan niya kay Celine.
Lumuhod si Celine, kinuha niya ang basag-basag niyang phone na na

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.