Kabanata 106
Ngumisi si Rose. “Ganyan dapat. Kahit na pamilya tayo, kailangan pa rin natin makipagbati sa isa’t isa! At saka, ‘wag na ‘wag mo akong tatawagin na labas na anak. Mas alam mo kaysa sa iba kung ito ba ang totoo o hindi.”
Sa sobrang galit ng kaniyang madrasta ay malapit nang mag-apoy ang kaniyang mga mata.
Si Royan ay nagpipigil ng kaniyang mga emosyon sa punto na ang kaniyang mukha ay nagsisimula nang kumibot. “Pumapayag ka na bang tulungan ang Loyle Enterprise ngayon?”
Tumigil nang sandali si Rose bago sabihin, “Ibigay niyo ang buong Loyle Enterprise sa pangalan ko. Sa susunod, kayong lahat ay wala nang koneksyon dito, magbunga man ito o mabaon sa utang, ayos ba?”
Nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Royan.
“Rose Loyle, gusto mong sakupin ang Loyle Enterprise?” nanggigigil na sinabi ng kaniyang madrasta.
Sinabi ni Rose, “Hindi ba’t ito ang gusto niyong lahat? Ang ipabalikat sa ‘kin lahat ng utang niyo? Alam niyo naman siguro na ang pagsakop ko sa Loyle Enterprise sa oras na ito ay mapan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.