Kabanata 230
Ang empleyado sa hardware section ay nirekumendahan siya ng iba’t ibang klase ng kandado. “Ibigay mo na lang sa ‘min ang pinakamahal,” nakangiting sinabi ni Rose.
Ang empleyado ay binigay ang kaniyang pinakamamahalin na fingerprint lock, at nilagay ito ni Rose sa kaniyang shopping cart.
Noong umalis sila sa hardware section, sinabi sa kaniya ni Jay, “Dati ay may gawain ako na palaging bilhin ang pinakamahal na bagay na gusto kong bilhin, pero may isang tusong babae na nagsabi sa ‘kin na ang pinakamahal ay hindi palaging ang pinakamaganda. Simula no’n ay binago ko ang gawain ko kasi hindi siya tumitigil sa pagkulit sa ‘kin tungkol do’n. Ngayon, palagi ko nang sinusuri ang pinaka-angkop na bagay sa halip ng pagbili sa pinakamahal.”
Si Rose ay nabigla.
“Palitan ko ba ‘to?” Siya ay lubos na nahiya.
“Huwag na, mahihirapan pa tayo,” walang bahalang sabi ni Jay.
Ngumuso si Rose. “Tama naman ang tusong babae na ‘yon. Siguro nga ay mayaman ka, pero hindi ka dapat mauto na gumastos nang higit pa

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.