Kabanata 244
Niyakap ni Zetty si Rose sa sandaling siya ay bumangon ng kama. “Nasaan ka kagabi, Mommy? Namiss kita!”
Hinawakan ni Rose ang ulo ni Zetty at kinausap siya nang mahinhin, “Nag-away ba kayo ng Daddy mo kagabi, at ‘di ka rin kumain ng hapunan? Gutom na gutom ka na siguro!”
Tinapik ni Zetty ang kaniyang tiyan at malambing na sinabi, “Nilutuan ako ni Daddy ng noodle soup kagabi, Mommy. Hindi ako nagutom.”
“Nilutuan ka niya ng noodle soup?” Nagulat si Rose.
“Mm.” Tumango si Zetty.
Mahinhin na pinisil ni Rose ang mga pisngi ni Zetty. “Sabi sa ‘yo mayroon siyang mabuting puso sa ilalim ng malamig niyang pag-uugali, eh. ‘Wag mo na siya awayin sa susunod, ha!”
Masunuring tumango si Zetty. “Hindi na, Mommy.”
Hinatid ni Rose ang tatlong mga bata sa kindergarten pagkatapos ng almusal, pagkatapos ay nagtungo sa opisina sa Bell Enterprise.
Iyon ang una niyang araw sa trabaho sa Bell Enterprise.
Upang makapagpresenta ng magandang impresyon sa kanyang mga kasamahan, siya ay naglagay ng kaunting makeup

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.