Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 405

Makulimlim ang mga mata ni Jay noong sabihin niya, “Naniniwala ako sa ‘yo.” Si Zayne ay bahagyang natuwa sa bulag na kumpiyansa sa kaniya ni Jay. Sa buo niyang buhay, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumingala sa kaniya. At saka, ang taong ‘yon ay ang prinsipe ng Imperial Capital. Nahiya si Zayne. “Paano kung… Paano kung… Mabigo ako?” Tinusok siya ng tingin ni Jay. “Paano kung sinabi ko sa ‘yo na si Rose ay si Angeline? Ngayon, gusto mo pa rin ba ng lasa ng pagkabigo?” Nanigas si Zayne na parang istatwa. Pagkatapos ng mahabang sandali, nananabik na tinanggal ni Zayne ang laurel sa kaniyang ulo at hinawakan ng kamay ni Jay. “Kaya mong gumawa ng ganoong palusot para lang himukin ako na hanapin si Rose, huh?” Sumagot si Jay, “Ito ang katotohanan.” Kahit na naisip ni Zayne na ito ay katawa-tawa, masyadong mahalaga ang bagay na ‘to. Hininaan niya ang kaniyang boses at tinanong si Jay, “Pwede mo ba ako bigyan ng magandang rason para paniwalaan ka?” “Ang pinagkaiba sa pagitan ni Rose

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.