Kabanata 696
Si Zayne ay unti-unting nahiya. “Umm, nagkita na kayo ni Josephine, ‘di ba? Kumusta naman siya?”
Ang tono ni Jay ay may bakas ng inis. “Ano pa bang iba niyang mararamdaman? Eh, binasura mo siya.”
Natigilan si Zayne at naramdaman ang pag-init ng kaniyang mga tainga sa hiya.
Isang sandali ang lumipas at sumagot naman nang walang pigil si Zayne, “Paano ka naman? Binasura mo rin naman ang kapatid ko.”
Napanganga si Jay. Ninais niyang sabihin na, ‘Iba ‘yon’, ngunit sa huli ay nilunok na lamang niya ang kaniyang mga salita.
“Kumusta naman ang pinakamatandang anak na babae ng mga Severe?” Tanong niya.
Naiinis na sumagot si Zayne, “Relax. Hindi siya magpapakamatay nang dahil sa ‘yo.”
“Eh, paano naman nag tungkol sa pagpapakagutom at pagnanais magpakamatay?” Tanong ni Jay.
“Ah, ayon ba. Eh, totoo ang pagpapakagutom niya, pero hindi naman niya gustong mamatay. Lumalamon siya ng sandamakmak na pagkain noong dumating ako. Binge eating ata ang ginagawa.” Pagkatapos no’n, inasar ni Zayne si Jay, “Na

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.