Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Sukdulan ng BuhaySukdulan ng Buhay
에:: Webfic

Kabanata 107

Amoy ng pabango? Nag-isip nang sandali si Alex, at muntik nang madulas. Hindi niya pwedeng sabihin kay Dorothy na umupo si Waltz sa kaniyang binti at ginalaw-galaw ang kaniyang katawan, binibigyan siya ng amoy ng kaniyang pabango. Kaya pa rin niyang mag-isip nang diretso, kaya dali-dali siyang nagpaliwanag, “Syempre hindi, hindi ko nakita si Dr. Coney ngayong araw. Para naman sa pabango… Natatandaan ko na ngayon. Kay Hailey ‘yon, niyakap ko kasi…” Bago pa man siya matapos sa pagsasalita, napasabi si Dorothy, “Niyakap mo si Hailey?” Agad na tinama ni Alex ang kaniyang mga salita. “Patapusin mo muna ako sa pagsasalita. Niyakap ko ang anak ni Hailey, si Zoey. Mayroon din siyang pabango ng nanay niya, eh.” “Gano’n ba?” “Syempre, bakit hindi mo siya tanungin?” “‘Wag na, may tiwala ako sa ‘yo.” Mabilis na hinawakan ni Alex ang malambot na mga kamay ni Dorothy at sinabi, “Dorothy, ang saya-saya ko na nag-aalala ka sa ‘kin, alam mo ba ‘yon? Nitong mga nakaraan, akala ko ay hindi mo na ako maha

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.