Kabanata 1228
Ang mga security guard, na naghihintay sa utos ni Noelle, ay agad na pinalibutan ang dalawang tao.
May sumigaw, “Ang lalakas talaga ng mga loob ninyo, ano. Sinaktan ninyo pa nga si Young Master Seay. Katapusan ninyo nang dalawa. Bilisan ninyo at tumayo na kayo. Lumuhod kayo sa harap ni Young Master Seay at iyuko ang inyong mga ulo sa lupa bilang paghingi ng tawad. Malay ninyo, pagbigyan pa kayo ni Young Master Seay at hayaan kayong manatiling buhay.”
Inubos ni Alex ang kanyang gatas sa isang lagok.
Bahagya niyang sinulyapan ang mga security guard. “Ganito ba ang hospitality sa hotel ninyo? Sinasabi ninyo bang puwedeng bastusin ng lalaking ito ang mga babaeng bisita dito dahil lang nagmula sa pamilyang Seay ang lalaking ito, ang batang tagapagmana ng hotel na ito? Kung gayon, maigi pang ipasara ninyo na lang ‘to!”
Lumakad si Noelle habang humahampas sa sahig ang kanyang mataas na takong.
Napakatangkad ng babaeng ito. 5’6” ang taas niya. Pagkasuot ng mataas na takong, umabot na siya sa 5

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.