Kabanata 125
“Ano’ng sinabi mo?”
“G*go ka! Ang lakas naman ng loob mong sumpain ang lolo ko? Papatayin kita!”
Ang batang si Michelle ay agad na nagwala. Tumingin siya nang masama kay Alex at sumugod sa kaniya.
“Michelle, tumigil ka!” Sigaw ni Liam.
Sa wakas, nagising na siya mula sa gulat ng pagpigil ni Alex sa kaniyang ispada gamit lamang ang dalawang daliri. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita si Liam ng kalaban na ganito kalakas. Siya ay lubos na nayanig.
Alam na alam ni Liam na kapag hinarap ni Michelle si Alex, para itong isang tatlong taong gulang na bata na nakikipaglaban sa isang propesyonal na mangboboksing. Sila ay nasa ganap na magkaibang antas.
At mas mahalaga, binunyag ni Dr. Cheryl na si Alex lamang ang nag-iisang tao na kayang iligtas ang ama ni Liam.
Tumigil si Michelle sa kaniyang kinatatayuan. “Tito, ang g*go na ‘to ay sinumpa ang lolo ko… Sinabi niya na may tatlong araw na lamang siya para mabuhay. Sinabi pa niya na maikli lang ang buhay nating lahat. Kahit na kaya mong

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.