Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1545

Natigilan ang kambal. Maging si Justin ay napatulala. Ang babaeng nasa harap niya na kamukhang-kamukha ng kanyang kapatid ay malamang hindi si Soraya dahil hinding-hindi siya nito sasaktan. Peke siguro ang babaeng ‘to! Kalmadong sabi ni Alex, “Buweno, ito pala ang nakababatang kapatid mo hah! Dapat mo siyang disiplinahin nang maayos. Kapag ganiyang maiinitin ang ulo, hindi niya mamamalayan na balang araw ay mamamatay na lang siya bigla.” Sumigaw si Justin, “Umalis ka na dito! Sino ka sa tingin mo?” Sinipa ng malakas ni Soraya si Justin at napasigaw pa ito ng malakas. “Tumahimik ka!” Pagkatapos, lumingon siya kay Alex at sinabing, “Pasensiya na, didisiplinahin ko ang nakababata kong kapatid at hindi na mauulit ang mga ganitong insidente. Humihingi ako ng paumanhin.” Nanlaki ang mga mata nina Winry at Willow habang bahagya nilang inatras ang kanilang mga ulo. Natatakot silang mapagalitan din ni Soraya. Bata pa ang dalawang babae at mukha silang mga kolehiyala. “Nasaan ang nanay ko?” “Nas

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.