Kabanata 1717
Nang marinig niya ang boses, nagbago ang ekspresyon ni Alex, tahimik na tumatawa.
‘Lakas ng loob ng hayup na iyon na paikutin ako? Oh, ayos. Ang sarap siguro sa pakiramdam na hindi makalabas pagkatapos maglakad sa Wandering Formation ng isang buong araw at gabi.’
Nagbago ang mukha ni Dewey nang tumayo siya at sinabing, “Kakaiba, apo ko ‘yon, si Gabby. Nakapasok na siya sa Wandering Formation ng hindi bababa sa isang daang beses ngayon, at dapat ay marunong na siyang tumawid kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata. Bakit hindi siya makalabas?”
Pagkatapos, nilingon niya si Alex at sinabing, “Master, maaari ko ba siyang puntahan?”
Sabi ni Alex, “Siyempre. Walang problema diyan.”
Pagkatapos ng maikling sandali, ipinagpatuloy niya, “Buweno, apo mo rin naman ang naghatid sa’kin. Mahigit isang daang beses na siyang naglakad sa Wandering Formation, ngunit maaari pa rin siyang maligaw sa loob nito. Gusto ko talagang malaman kung saan niya namana ang utak niya.”
Mukhang nahihiya si Dewey.
Lihim

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.