Kabanata 611
“Paano…paano ito naging posible?” Hindi makapaniwala si Maiko Chiba na sa halip ay siya ang papatayin ni Alex Rockefeller.
Lamang na siya pagdating sa oras, lokasyon, at bilang ng mga tauhan. Malapit nang mamatay si Alex. Bakit napakalakas pa rin niya?
Hindi simpleng tao si Maiko.
Isa rin siyang martial artist na may mataas na antas ng kultibasyon!
Kahit na ang mandirigmang may ranggong Advanced-Mystic ay walang maitutumbas sa kanya.
Dahan-dahang pinihit ni Alex ang kutsilyong nasa kanyang kamay, dahilan para mapasigaw si Maiko sa sakit.
“Alam mo ba? Ang pinakaayaw ko ay kapag pinagbabantaan ako ng mga tao gamit ang pamilya ko. Kinidnap mo pa talaga silang tatlo at nilaslas mo ang mukha ng biyenan ko!” Mahinang nagsalita si Alex sa tenga ni Maiko. “Alam mo bang palyado na ang biyenan ko sa bawat aspeto? Sa mukha na nga lang siya bumabawi eh. Kapag nawala iyon sa kanya, paano ko pa siya magagawang tiisin sa hinaharap?”
Sa sobrang sakit ni Maiko ay nanginig ang kanyang katawan.
Gusto niy

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.