Kabanata 632
“Ngayong ganiyan na kalakas ang mental power mo, makakayanan mo nang protektahan ang sarili mo mula sa sinumang ordinaryong gangster. Makakampante na ako ngayon.” May taos-pusong boses na sinabi ni Alex.
Nakatayo sila sa kubyerta, kung saan umihip ang banayad na simoy ng hangin, at maririnig ang mahinang tunog ng dumadaloy na tubig sa lawa.
Walang sinabi si Zendaya, tahimik lang siyang nakatingin sa madilim na tubig ng Willow Lake.
Pagkaraan ng mahabang sandali, sa wakas ay sinabi niya na may mahinang boses, “Kahit na meron akong isang libong kakayahan, ano pang silbi no’n? Hindi pa rin ako makakatakas sa posas ng kapalaran, at hindi ko pa rin kayang mahalin ang sinumang gugustuhin ko. Kahit na nangingibabaw pa ako sa lahat ng nabubuhay na nilalang, kailangan ko pa ring tiisin ang kahungkagan at kalungkutan. Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko ngayon, ‘lex?”
Nakaramdam ng kaunting hiya at pag-aalangan si Alex, at hindi siya nakasagot.
Alam din ito ni Zendaya, at hindi niya ito pini

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.