Kabanata 791
Puwede bang kainin yung haligi?
Syempre hindi! Common sense yun!
Gayunpaman, ang butil sa energy core ay desididong lamunin yung haligi. Kung hindi ito pahihintulutan ni Alex Rockefeller, lulundag ito na parang makulit na bata na magbibigay ng sakit sa ulo ni Alex.
Pero pinagmasdan niyang mabuti ang napakalumang kahoy na haligi sa kanyang harapan. Kulay itim ito may bahid ng dilaw, at marami itong biyak. Sa katunayan, may ilang mantsa pa nga ng langis dito.
Ordinaryong haligi lang talaga ‘to.
Napagpasyahan ni Alex na hindi na siya titingin sa haligi. Kaya naman, tumalikod na siya at binalak nang umalis.
Pero ang butil sa energy core niya ay biglang naglabas ng napakalakas na mental power. Parang tinutusok ng karayom ang utak niya.
“Aray!” Napasigaw si Alex sa sakit.
Hindi lang nagulat si Xyla Stoermer na nasa tabi niya, nagulat din ang babaeng sales assistant na lumapit sa kanilang dalawa na may dalang tsaa. Nanginig ang kanyang mga kamay, at bumaligtad ang tray na bitbit niya, dahil

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.