Kabanata 898
Pinunit ni Alex ang gauze sa paa ni Phoebe. “Sige.”
Bahagya niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Kanina, hindi niya napapansin. Ngayon na malinaw na niyang nakikita sa ilalim ng liwanag, nalaman niyang malambot at maputi pala ang mga binti ni Phoebe. Malamang naka-wax ito, dahil makinis at malinaw ang mga ito. Napakaganda rin ng hugis ng binti nito, at ang pangunahing bagay dito ay ang napakagandang mala-jade na paa nito. Maging ang mga arko ay maganda, bahagyang nakataas ang mga daliri sa paa, na nagpapakita ng perpektong hugis na letrang S.
May kulay lila na kyutiks sa mga daliri nito sa paa.
Bawat daliri ay payat at bilog, na may iba’t-ibang haba; bawat isa sa mga ito ay namumuong kagandahan sa kanilang sarili.
Para itong obra.
Bahagyang natigilan si Alex. Ilang paa na ng mga dalaga ang minasahe niya, kasama na si Dorothy doon. Pagdating sa antas ng kagandahan, yung kay Phoebe ang nangunguna. Maliit ito at cute at may bahid ng kaseksihan.
Nakakalungkot na hindi siya modelo ng paa!

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.